Lunes, Oktubre 24, 2011

Super addicted to Super Junior! :)

It’s official. I’m addicted to Super Junior.

I made a promise to myself that I would be loyal to 2NE1 only, and that I would never EVER be addicted to other K-pop bands’ music. But here I am, spending my time listening to SuJu songs, memorizing the lyrics (thank you, Google), knowing each member’s profile, learning about the subgroups and their songs, reading SJ facts and trivia, saving pictures of them in my Super Junior folder, watching their videos on YouTube, watching their videos on YouTube WHILE imitating their dance steps in the living room, switching channels from MTV to Channel V to tvN to Arirang, making plans on visiting Korea to personally meet them, dreaming of marrying Eunhyuk, etc. Oh well, promises are made to be broken, right?

I actually had been listening to their songs before, but not to the point of getting excited and getting kilig whenever I did so. I did not care if Ryeowook was singing this part, or Kyuhyun was singing that part, etc. I just know that it was Super Junior singing, end of story.

Then Bonamana came. I really loved this song (well, I still love it). I became hooked to it because of Ryeowook. Whenever I watch the music video, I only focused my eyes on Wookie. In their other songs, I could now recognize Ryeowook’s voice. Though I love Bonamana, and Ryeowook and his voice, I could say that I still was not that into Super Junior.

One super happy day, Super Junior launched their latest single, “Mr. Simple”. I was watching tvN when the music video was played. And played. And played again. Even on MTV and Channel V, Mr. Simple was always shown. And I was hooked, not only to the song but to Super Junior, per se. <3

I now understand my classmate who’s a crazy fan of SuJu. Before, whenever she wore her “13elieve in Super Junior” shirt in school, I wanted to point at her shirt, laugh out loud in the corridor, and shake my head in disbelief. Now, I believe I am a much crazier fan than she is. And I want a Super Junior shirt, too. So to those who see or will see Super Junior fans, before you point at them, laugh, and shake your head in disbelief, think twice. You just might be one of us someday. Belat! ;P


Huwebes, Oktubre 6, 2011

Manang's Chicken sa Katipunan (Woot!)

(Note: Hindi ito isang food review na sinulat ng isang batikang food critic. Kaya gagamit ako ng mga salitang gusto ko, ok? Walang basagan ng trip.)


Sa wakas, nakakain na rin ako ng manok na pinagkakaguluhan ng buong bayan, ang Manang's Chicken!

Mabuti na lang at may branch na sila sa Katipunan. Hindi ko na kailangang problemahin pa kung paano ako pupunta sa Mercato o Ortigas para lang makatikim nito. Maliit lang ang tindahan nito sa Burgundy Plaza, tapat ng Ateneo (ay, mahaba pala ang sakop ng Ateneo sa Katipunan, basta igala mo na lang mabuti ang mga mata mo 'pag hahanapin mo 'yung Manang's Chicken). Sa liit ng store nila eh hindi mo aakalaing may second floor pa pala 'yun.

Anyway, nag-take-out ako ng 6-pc wings in original sauce. Php 149 'yan. Saka extra original sauce for 10 pesos. Pag-abot sa akin, susme, ang gaan. Haha! Medyo kinabahan ako kasi baka isang chicken wing lang ang nalagay. Paranoid eh. Well, hindi ko na masyado inintindi 'yung weight dahil excited na 'kong matikman 'yung Manang's Chicken.

Ayun, pag-uwi ko, kinain ko na. Thank you for reading this post. Echos! Masarap naman, malasa RIN 'yung laman, hindi tulad nu'ng sa Bon Chon na balat lang 'yung may lasa. (Pero I still want Bon Chon. 'Yung wallet ko lang 'yung umaayaw. Haha.) Hindi rin dry 'yung chicken, sapat lang sa sauce. At may sesame seeds! Woohoo! I love sesame seeds. Pero ewan ko ha, parang hindi masyadong crispy crunchy 'yung wings na nabili ko. Parang kulang sa pagka-lutong 'yung manok. Hindi ko alam kung dahil ba maliit lang 'yung wings eh hindi sapat 'yun para ma-experience ko ang crunchiness, o dahil nag-take-out kaya pagdating ko sa bahay eh medyo nawala na 'yung pagka-lutong niya. (Pero malapit lang ang bahay namin...) 'Di bale, baka sa susunod kong bili ay crispy crunchy na siya. Yey.

Natutuwa ako sa Manang's Chicken ('yung store mismo) dahil nag-ooffer sila ng extra sauce. At 10 pesos lang. Kaya malalasap mo talaga 'yung lasa ng double fried chicken nila. Actually ('eto na, prangkahan na), parang ordinary lang 'yung lasa ng Manang's Chicken, 'Yun bang pagkakagat mo, masasabi mo na, "Ay, ito na 'yun? Lasang Reyes' Barbecue." (Heto na, naghahanda nang mag-isip ng mga argumento ang mga 'di sang-ayon sa sinabi ko. Wait lang kasi ha, hindi pa ako tapos.) Subali't habang patagal nang patagal, nag-iiba 'yung panlasa ko sa chicken nila. Parang may kakaiba sa sauce, nag-iiba ang lasa nito habang kinakain. Parang may wine na may pagka-garlic din na ewan. Basta ang sarap. Waah gusto ko uli bumili!

All in all, masarap ang Manang's Chicken. Ito 'yung tipong kapag pinasalubong mo sa kapatid mong sosyalin ang taste eh hindi ka mapapahiya. Sa susunod, try ko 'yung chicken cuts naman with extra spicy sauce. :)

Lunes, Setyembre 26, 2011

Cast of characters

Paulit-ulit na lang. Kanina, nakanood ako ng news sa isang channel. Ayun, nagrereklamo na naman ang mga magulang dahil sa late na pag-anunsyo ng DepEd tungkol sa suspension of classes. Hindi na ako nagulat. Palagi namang ganyan kapag may bagyo eh. Uulan nang pagkalakas-lakas. Magiging masaya ang mga estudyante. Tatamarin nang makinig sa guro at hihintayin na lang ang anunsyo ng DepEd. Mangyayari 'yan hanggang tanghali, dahil mga alas dose pa masususpend ang klase. Tapos sabay-sabay nang susugod ang mga magulang, school service, yaya, at family driver sa mga eskwelahan upang sunduin na ang kanilang mga sundo. Siyempre nandiyan din ang media upang interbyuhin ang mga estudyante't fetchers (fetchers talaga eh). At ayan na, magbubuhos na ng hinanakit at sama ng loob ang mga ito, kesyo ang tagal i-announce ang suspension of classes, ang bagal ng DepEd, ang lakas-lakas na ng ulan pero wala pa ring announcement, blah blah blah.

Kung ako ang estudyante na nasa grade school o high school, maiinis ako. Eh tanghali ba naman i-announce ang suspension of classes! Eh 'di sana nakanood pa ako ng Eat Bulaga o kaya nakabawi sa tulog!

Kung ako ang magulang ng isang estudyanteng nasa grade school o high school, mabubuwisit ako! Eh ang tagal ba naman sabihin ang suspension of classes eh ang lakas-lakas na ng ulan o! Ayan o, bumabaha na o! Nagliliparan na 'yung mga bubong o! At susunduin ko pa 'yung mga anak ko sa eskwelahan o! Hassle, man.

Kung ako ay isang college student, MAAASAR AKO! Eh may bagyo na nga pero hindi kami kasali sa suspension of classes. Unfair! Sabi nga ng iba, ano kami, waterproof? Eh 'di kami na. Kami na ang waterproof! Argh.

Kung ako ang DepEd, maiimbyerna ako. Eh bwisit reklamo kayo nang reklamo, eh kung kayo kaya ang mag-aral at kumilatis sa kasalukuyang weather (takte ang konyo) at magdesisyon kung isu-suspend ang klase o hindi? Mahirap 'yan, I'm telling you. Mahirap mag-deal with (ano ba tagalog nito?) sa isang bagay na unpredictable, alam nyo 'yan! Ayheychu!

Hay. Ipagdasal na lang natin na, sa tuwing may bagyo, maging ligtas tayong lahat.

Biyernes, Setyembre 23, 2011

Comfort Zone

Hindi ako pumasok kanina sa school. Hindi dahil sa sumama ako sa Mendiola, kundi dahil tinamad lang akong pumasok.

Alam ko, alam ko. Napakababaw na dahilan 'yun. At marahil nakakainsulto sa ibang mga estudyanteng walang panghihinayang lumiban ng klase para lamang ipaglaban ang budget ng state universities. Inaamin ko naman eh, wala akong hilig magsasama sa mga rally. Inaamin ko, hinding-hindi ako magwo-walk-out sa mga klase ko dahil ayaw kong maka-miss ng lesson sa mga asignatura ko. Inaamin ko, kapag may mga estudyanteng pumapasok sa klasrum namin upang manghikayat na ipaglaban ang ganito, ganyan, hindi ako nakikinig dahil iniisip ko kung paano ko gagawin 'yung lab exercise namin sa major. O kaya kung ano ang kakainin ko kapag free time ko na. Inaamin ko, hindi ko iniintindi 'yung mga isyu na pinaglalaban ng mga kapwa ko mag-aaral dahil mas concerned ako sa progreso ng career ni Coco Martin. O kaya ng mga nangyayari sa mga paborito kong Kpop groups.

Oo na, isa na akong walang pakialam na iskolar ng bayan. Pero may aaminin pa ako: mabigat sa loob ko ang hindi man lang maging isang matapang na iskolar ng bayan. Pero sa kabila nito, hindi ko talaga kaya ang pumunta sa kalye at doon lumaban, sumigaw, o mag-planking. Duwag ako. Takot. Doon sa pamosong cheer na "Matatapang! Matatalino!", kalahati lang niyan ang mayroon ako. At alam mo na siguro kung alin diyan ang meron at wala ako.

Pasensya na, Pilipinas...

Huwebes, Setyembre 22, 2011

Toner at Langis

Ang bad trip lang. May oil na ingredient 'yung nabili kong facial toner! Talk about argh.

As if naman may pakialam ka, 'di ba? Wala lang, gusto ko lang i-post 'yung tungkol sa toner ko. Blog ko naman 'to kaya 'wag ka nang umangal. Nang-away eh. Haha. Sorry naman.

Anyway, balik sa kwento ko, ayun nga, may "hydrogenated castor oil" 'yung bagong bili kong toner. Nagsasawa na kasi ako sa dati kong toner kaya naisipan kong sumubok ng ibang brand. At ayun nga, noong binasa ko 'yung ingredient list, may kasama palang castor oil 'yung nabili ko! EH BAWAL NA BAWAL AKONG MAGLALALAGAY NG OIL SA MUKHA! Nakakainis. Nasayang 'yung pera ko. Mahal pa naman 'yung toner na 'yun. Hay.

Ok, so may natutunan ka ba sa kwento ko ngayon? Bukod sa nasayang ang isa o dalawang minuto mo sa pagbasa ng kwento ko tungkol sa toner na may oil, ano pa ang napala mo sa blog post na ito? Hahaha. Wala ka bang maisip? Sige na nga, ako na rin ang magpo-provide ng mga dapat mong natutunan sa post na ito.


<basahin nang malakas> Mga dapat kong na-realize sa pagbasa ng blog post na ito:

1. Bago bumili ng isang produkto, basahin muna ang ingredient list nito. Lalung-lalo na kung ikaw ay may allergy o kaya naman ay may sensitive na balat, dapat ay inaalam muna kung anu-ano ang mga sangkap ng isang produkto upang hindi magsisi sa huli.

2. Kung eengut-engot ka at nakabili ka ng produkto (pagkain man o beauty product) na may sangkap na allergen pala (hindi mo alam kung ano ang allergen? I-google mo na!), huwag manghinayang na itapon ito. O teka, teka, bayolente agad ang reaksyon mo eh. Kung ayaw mong itapon, eh 'di ipamigay mo! O kung beauty product 'yan, gamitin mo na lang sa paa mo. 'Wag nang piliting gamitin 'yung produkto sa mukha mo kung ayaw mong mag-iiiyak habang nagpapakonsulta kay dok.

3. Maging loyal. Hindi lang ito nag-aapply sa mga relasyon, kundi pati na sa mga produktong ginagamit mo. Lalo na sa mga produktong hiyang na hiyang ka. Well, ganyan talaga kapag may allergy at/o sensitive ang balat, hindi pwedeng kung anu-anong produkto ang gamitin.

4. Ang blog post na ito ay tungkol pala sa pagkakaroon ng allergy at/o sensitive na balat. Sorry naman sa mga nagbabasa na walang allergy.


 'Yan lang p0Hwz. Sige, balik ka na uli sa pagsasaing mo. Haha.

Lunes, Agosto 1, 2011

Ang Haba ng Hur!

Iisa lang ang sinasabi ng mga hairdresser/haircutter sa akin sa tuwing magpapagupit ako: "ang dry ng buhok mo".

Sa tuwing naririnig ko 'yan, ginagantihan ko na lang sila ng ngiti at minsan nga, tawa. Pero sa loob-loob ko, gusto kong sumagot ng, "o eh ano naman?" sabay dirty finger. Haha. Kasi naman, ayokong pinipintasan ang buhok ko, kahit alam kong totoo ang sinasabi nila.

Oo, inaamin ko, dry nga ang buhok ko. Ang dahilan? Anti-dandruff shampoo. O, o, bago mo isumpa at i-shoot sa basurahan 'yang anti-dandruff shampoo mo, ituloy mo muna ang pagbasa. Hindi ako nagagalit sa anti-dandruff shampoo. Sa katunayan, isa ito sa mga produktong importante sa buhay ko. Nope, hindi ako mabalakubak. Kaya mahal na mahal ko ang anti-dandruff shampoo ay dahil mahal na mahal rin siya ng balat ko. May zinc kasi ang anti-dandruff shampoo. May kakayahan ang zinc upang mapakalma ang balat upang hindi tubuan (masyado) ng tigyawat. O, may natutunan ka ba sa mga pinagsasabi ko ngayon?

Pero sa ngayon, hindi muna ako gumagamit ng anti-dandruff shampoo dahil bagong kulay ang buhok ko. Haha!



Some hair tips (Kainis, feeling beauty blogger! Argh. Pero basahin mo na rin, dagdag-kaalaman din ang mga ito. Haha.):

1. Kung ikaw ay acne-prone, mas mainam kung gagamit ka ng anti-dandruff shampoo dahil ito ay may zinc. (Kumain ka rin kasi ng gulay para 'di masyadong tubuan ng pimples!)

2. Kung kakakulay lang ng buhok mo, HUWAG ka munang gagamit ng anti-dandruff shampoo kung ayaw mong masayang ang binayad mo sa hair colour. Sige ka, baka pagtingin mo, itim na uli ang buhok mo. Gumamit muna ng ibang shampoo (try mo 'yung Clairol Herbal Essences Color Me Happy. Para talaga 'yan sa color-treated hair. Pero pwede na rin 'yung L'Oreal Total Repair, kung ang gusto mo eh iyong madali lang mahanap sa mga groceries).

3. Banlawan nang mabuti ang buhok pagka-shampoo, anti-dandruff shampoo man o hindi. Please, maawa ka sa balat mo.

4. I-apply ang conditioner SA BUHOK LAMANG. Huwag maglagay ng conditioner sa bunbunan kung gusto mong maging dandruff-free at kung gusto mo rin maging maganda ang galaw ng buhok mo. Kung gusto mo lang naman.

5. Ok, so parang hindi pala hair tips 'tong mga pinagsasabi ko. Haha.



Sige, asikasuhin mo na 'yang trabaho mo. Good morning! :)

Huwebes, Hunyo 30, 2011

Pasukan is Equal to Tag-Ulan

Wow. Mga isang buwan din pala akong hindi nagpost. Haha. Pasukan na naman kasi, kaya busy na naman ako sa mga homeworks, papers, at kung anu-ano pang kalokohan, este, acad-related stuff.

Kung pasukan na, ibig sabihin, tag-ulan na naman. Yehey! Boo. Biglang nagulo 'yung mga emosyon eh. "Yehey" dahil kapag may bagyo, malaki ang tsansang masususpend ang classes. Woohoo! Sa kabilang banda, "Boo" dahil unang-una sa lahat, babahain na naman ang marami sa ating mga kababayan. Mahihirapan na naman sila sa pagsalba ng kanilang mga ari-arian at siyempre, ang kanilang mga buhay. Lulubog na naman ang maraming lugar na parang biglang nabura sa mapa. Magiging bukambibig na naman ang katagang "evacuation centers" sa mga balita. Ikalawa, ayoko talaga ng umuulan. Parang ang lungkot kasi ng paligid. Tapos ang hirap pang kumilos kung lalabas ka dahil kahit may payong ka na't naka-jacket pa, mababasa ka pa rin. Argh.

Pero minsan, ok lang din sa aking umulan. Basta ba nasa bahay ako at may kape at interesanteng libro sa tabi. Tapos hindi rin babaha na akala mo may bagong dagat na biglang umusbong. :)

Lunes, Mayo 30, 2011

Hapi hapi hapi bertdey

Isa sa mga mabababaw na paraan upang malaman kung sinsero ang isang kakilala/kaibigan sa pakikitungo sa iyo ay ang paghintay sa iyong kaarawan. Dahil nabubuhay tayo ngayon sa makabagong panahon kung saan halos lahat ng impormasyon tungkol sa iyo ay mababasa sa Facebook at sa iba pang social networking sites, madali lang para sa mga "friends" ang maalala ang iyong bertdey. Mainam ang ganito, pero para sa akin, mas masarap sa pakiramdam na may mga kaibigan kang hindi nakakalimot at hindi makakalimutan ang iyong kaarawan kahit walang Facebook na nagpapaalala sa kanila ng birthday mo.

Kung gusto mong i-"test" ang iyong mga kakilala't kaibigan, ganito ang gawin mo:
1. Hintayin ang iyong kaarawan.
2. Kung bertdey mo na, ibahin ang account settings mo sa Facebook (o kahit anong social networking site). Itago mo ang iyong birthday sa profile mo. Huwag kang mag-alala, pansamantala mo lang namang itatago ang birthday mo eh.
3. Sit back and relax. Kumain ng birthday cake.
4. Kapag tapos na ang kaarawan mo, bilangin kung ilan ang mga taong bumati sa iyo. Sigurado akong 'di hamak na mas kaunti ang bilang niyan kaysa sa number of friends na babati sa iyo kung sakaling ipinakita mo ang iyong birthday sa Facebook. (Sawa na ako kakasabi ng "o kahit anong social networking site" haha.)

Alam kong walang matibay na basehan ang paraang ito. Mababaw nga, 'di ba? Ang sa akin lang, wala namang masama kung gagawin mo ito. Wala lang, nagsu-suggest lang. Haha. Tingnan mo lang kung sinu-sino kaya ang makakaalala ng birthday mo without Facebook reminding them. 

At kung hindi ka man nabati ng iyong kakilala o kaibigan, hindi naman ibig sabihin nu'n na wala na siyang kwentang kaibigan. Malay mo, sadyang nakalimutan niya lang talaga dahil sa stress o kaya dahil may pinagdadaanan pala siyang problema o kaya naman makakalimutin lang talaga siya. Haha. Huwag sumama ang loob sa mga taong nakalimutan kang batiin sa birthday mo, dahil hindi naman sukatan ang pagbati sa pagkakaroon ng matibay na pagkakaibigan.

Ilibre mo na lang sa Yellow Cab 'yung mga bumati sa'yo. ;)

Lunes, Mayo 16, 2011

Pera, kwarta, salapi, atik, etc.

Nakuha ko na sa wakas ang aking unang sweldo nu'ng isang linggo. Yes! Woohoo!

Hindi naman kalakihan ang nakuha ko. Siguro pwede na 'kong makabili ng isang Adidas bag sa halagang iyon. O kaya isang sako ng Corn Bits ('yung spicy hot apoy flavor kasi masarap). Hindi siya 'yung halaga na tipong makakapag-around the world ako. O kaya makakabili ng house and lot sa Wack-wack. Pero pakiramdam ko, sa halagang nakuha ko, para akong nakahiga sa pera. Para akong nanalo sa lotto. Para akong nakapag-asawa ng pulitiko. Sa tanang buhay ko kasi, ngayon lang ako nakahawak ng ganoong halaga ng pera, pera na masasabi kong akin. Akin. AKIN!

Sa unang sweldong nakuha ko, balak kong bumili ng mga damit sa Forever 21. O kaya bumili ng mamahaling makeup sa Rustan's. O bumili ng mga librong matagal ko nang gustong bilhin. O mag-eat-all-you-can sa Matsuri o Yakimix. O kumain sa Bizu. O uminom ng roasted milk tea sa Happy Lemon. O mamasyal at bumili ng kung anu-ano sa Mercato Centrale. O bumili ng 2NE1 ticket para sa concert nila sa June 4.

Pero habang tumatagal, habang nag-iisip ako ng pwedeng pagkagastusan gamit ang sarili kong pera galing sa pag-i-intern ko, tila lalo akong tinatamad gumastos. Parang ayoko nang gastusin ang pera ko. Pinaghirapan ko ang kinita ko, tapos isang tapak lang sa mall o sa restawran, ubos agad ito. Habang nililista ko ang aking mga luho, napag-isip-isip kong mahirap nga talagang kumita ng pera. Pero mas mahirap kumita ng pera AT gastusin ito sa mga luho pagkatapos.

Sana bigyan ako ng raise.

Huwebes, Abril 28, 2011

Best Wishes

Bukas na ang super engrandeng kasal nina Prince William at Kate Middleton. Woohoo! Masaya ako para sa kanilang dalawa. Sayang hindi ako makakadalo sa kasal nila. Paano, hindi naman ako imbitado. Haha.

Speaking of Prince William, ano kaya ang pakiramdam na isa kang prinsipe? Na pinanganak kang may dugong bughaw? Na ang pamilya mo ay ang pinakamataas sa bansa ninyo? Na mayroon kang buhay na marangya? Na tinitingala at ginagalang ka ng iyong mga kababayan, pati na rin ng mga tao sa ibang mga bansa? Na more than one ang bilang ng banyo ninyo sa bahay? Gusto ko rin maging dugong bughaw!

Pero minsan, iniisip ko, ano kaya ang pakiramdam na napapaligiran ka ng mga bodyguard/security sa tuwing lalabas ka ng bahay ninyo? Na sa tuwing lalabas ka ng bahay ninyo eh nasisilaw ka dahil sa flash ng mga kamera? Na minamatyagan ang bawa't galaw mo? Na sinusundan ka ng mga paparazzi kahit saan ka man magpunta? Na konting salita o kilos mo lang ay nagiging malaking balita na sa bansa? Na parang mas alam pa ng mga tsismoso't tsismosa ang buhay mo kaysa sa iyo?

Ang hirap din maging royal.

Pero alam kong kaya ni Miss Kate Middleton na maging isa.

Best Wishes and God bless sa kanila! :)

Biyernes, Abril 22, 2011

Pasyal

Isa sa mga gusto kong puntahang bansa ay ang Italy. Tingin ko kasi, pagtapak ko doon, mawawala ang mga problema't stress ko sa buhay at mapapalitan ng feeling ng pagiging in love. Kapag pumunta ako sa Italy, iinom ako ng kape sa mga cafe doon, mamimili ng wine at spices sa palengke, tapos manghahabol at magpapakain ng mga pigeon dun sa parke. Yehey.

Pero 'di ba, sabi nga, bago ka mamasyal sa ibang bansa eh puntahan mo muna 'yung mga lugar sa sarili mong bansa. Iyan na nga 'yung nakakalungkot diyan eh. Kung bibigyan ng pagkakataong makapasyal nang libre, sigurado akong marami sa mga Pilipino ang mas gustong mamasyal sa Amerika, Hong Kong, Italy, France, o Hawaii kaysa sa Ilocos, Cebu, Davao, Bataan, o Iloilo. Siguro dahil sawa na ang iba sa Pilipinas. Sawa na sa init na panahon, sa polusyon, sa korupsyon, sa mga may topak na pulitiko, at sa mga blind item ni 'Nay Cristy.

Sa kabila ng mga patung-patong na problema sa bansa, buo pa rin ang paniniwala kong magandang bansa ang Pilipinas. Perpekto ang klima--hindi masyadong malamig, hindi rin masyadong mainit. Tropical, 'ika nga. Marami ring puno, mas marami nang 'di hamak sa ibang mayayamang bansa. Mababait at marespeto din ang mga tao (o sige, karamihan sa mga tao haha). Alam kong gasgas na ang mga dahilang ito. Pambatang mga rason. Pero anong magagawa ko, totoo naman ang mga ito.

Isa sa mga gusto kong puntahang bansa ay ang Pilipinas. Tingin ko kasi, pagtapak ko doon, mawawala ang mga problema't stress ko sa buhay at mapapalitan ng feeling ng pagiging in love.

Sabado, Abril 16, 2011

Sablay

Graduation kanina sa college ko. Congrats sa mga graduates! :)

Ok, aaminin ko, naiinggit ako. Sobra. Dapat kasama ako sa mga grumadweyt kanina. Pero hindi eh. Delayed kasi ako.

Na-delay ang pag-graduate ko nang dahil sa isang major subject na nabagsak ko noong third year ako. Halos mabaliw ako noon. Parang gumuho ang mundo ko, ang mga pangarap ko. Ang drama eh. Pero totoo. Nainis ako sa titser ko at sa sarili ko. Sa titser ko dahil hindi siya magaling magturo. (Actually, hindi siya nagturo. Argh. Pero napatawad ko na siya. Haha.) At sa sarili ko dahil sooobrang nagpakatamad ako noon. As in pag-uwi ko sa bahay, kakain ako, manonood ng tv, tapos matutulog. Gusto kong upakan sarili ko noon. Grabe lang.

Siyempre, nagbago na ako pagkatapos niyan. Nag-aaral na uli akong mabuti at mas inuuna ito kaysa sa panonood ng Mara Clara o pagfe-Facebook. Ayoko nang biguing muli ang mga magulang ko. Ayoko na maging sakit ng ulo sa kanila. Gustung-gusto ko nang grumadweyt para makatulong! At para masunod na ang mga luho ko. Nyaha.

SOBRANG dami kong natutunan sa pagka-delayed ko. At patuloy pa akong natututo. Sabi nga ng isa kong prof noon, hindi pa katapusan ng mundo kung hindi ka gagraduate on time. Oo nga naman. Kaya ang ginawa ko pagkatapos kong mabagsak ang major ko? Nagmove on agad ako. Mas sinipagan ko pa ang pag-aaral ko. Sinabi ko sa sarili ko na hindi na ako pwedeng bumagsak pa, na hindi na ako pwedeng maging issang delingkwenteng estudyante.

Hindi ko sinasabing ayos lang ma-delay. SIYEMPRE HINDI OK 'YUN! Madagdagan ba naman 'yung mga taon mo sa kolehiyo, 'di ba ang bad trip nun! Ang sinasabi ko lang, huwag mawalan ng pag-asa sakali mang hindi ka maka-gradweyt on time. I-maximize mo 'yung ekstrang taong nadagdag sa iyo. Gawin mo itong advantage. Patunayan mo sa buong mundo na kaya mong bumangon sa pagkakadapa. At sa iyong pagbangon, doblehin o triplehin mo ang iyong efforts sa pag-aaral.

Next year pa ako ga-graduate. Lord, tulungan po Ninyo ako sa mga susunod kong majors. Amen. :)

Martes, Abril 12, 2011

Paano kaya kumuha ng NBI clearance?

Dahil gusto kong makatulong ang blog ko (oo, may ganyan), ikukuwento ko kung paano ako kumuha ng NBI clearance.

Nu'ng nalaman kong kailangan kong kumuha nito para sa OJT ko, kinabahan ako. Hoy, hindi ako kriminal ha. Kinabahan ako dahil HINDI AKO MARUNONG kumuha ng mga form-form na 'yan! As in, eengut-engot ako sa mga ganyan. Natakot ako na baka maligaw ako, magmukhang tanga, pumila buong araw, etc. Kaya ang una kong ginawa, nag-search ako sa Internet kung anu-ano ang steps sa pag-apply ng NBI clearance. Una kong pinuntahan siyempre 'yung website ng NBI. Tapos binasa ko rin 'yung mga naging karanasan ng ibang tao na nakalagay sa blog nila. Pinanood ko rin sa YouTube 'yung isang episode ng Totoo TV tungkol sa pagkuha ng NBI Clearance. Hindi pa ako nakuntento diyan, nagtanong din ako sa nanay ko, sa tita ko, at sa mga kaklase ko (salamat sa Facebook).

Pinili kong mag-apply sa Quezon City Hall. Buti na lang kukuha rin 'yung kaibigan ko, kaya napagpasyahan naming sabay na lang kami. Ayun, gumising ako nang alas kwatro y media nang madaling-araw. Dumating kami ng kaibigan ko sa QC Hall nang mga 7 am. Whoa! Medyo mahaba na ang pila. Pero tolerable pa naman 'yung haba. Mga 8 o clock na umusad 'yung pila dahil 8 naman talaga 'yung bukas ng office.

So narito ang steps kung paano ako kumuha ng NBI clearance sa QC Hall:

1. Pumila sa Counter 1: Payment. Ito ang counter na may pinakamahahabang pila. Kung walang kasama, maiging magdala ng diyaryo, libro, jackstones, brick game, o kahit anong pwedeng mapaglibangan habang nakapila. 'Wag kalimutang maghanda ng 115 pesos, dahil ito ang essence ng pagpila mo sa counter na ito.

After mo magbayad, bibigyan ka ng ale (o kuya) dun ng resibo at isang form na parang card. I-fill out mo LAHAT ng kailangang i-fill out, ok? Mula sa harap hanggang sa likod ng card, sagutan mo kung gusto mong guminhawa ang buhay mo. Siyanga pala, alam mo na ba kung ano ang height mo? Eh ang weight mo? Kung hindi pa, pwes alamin mo na bago ka kumuha ng NBI clearance, para diri-diretso ka sa pagsagot ng form na ito. Pambihira, dito yata ako natagalan. Haha.


2. Pumunta sa Counter 2 & 3: Data checking and Fingerprinting. Sa counter na ito, may kuyang magchi-check kung nasagutan mo nga lahat ng dapat sagutan sa form. Kung ayos naman, ihanda mo na ang mga kamay mo sa fingerprinting. Akala ko noon, 'yung kanang kamay lang 'yung kailangan. 'Yun pala pati 'yung kaliwa! Eww. Haha. Buti na lang 'kamo, may dala akong tissue at alcohol. Kung wala ka namang dala, 'wag mabahala! May wet tissue na binibenta sa counter na ito. Limang piso lang kada isa.

Kung tapos ka na sa counter 2 & 3...

3. Dumiretso sa Counter 4: Picture Taking. Image Capture yata ang tamang term. Oh well, pareho lang sila. Ito ang paborito kong counter. Buti na lang tatlo lang ang tigyawat ko nu'ng nagpa-picture ako. Basically, ipapakita mo lang 'yung form mo dun sa ale (or baka kuya pag nag-apply ka), uupo ka dun sa monobloc chair, at voila! Nakuhanan ka na ng picture! Yey.

After nito, punta ka na sa...

4. Counter 5: Registration. Maraming counter dito, mga apat yata. Kaya hindi mahahaba ang pila. Dito, ibibigay mo 'yung form mo, tapos ichi-check kung may kapangalan ka o kung may kaso ka o kung ano mang gulo meron ka. Buti na lang wala akong kapangalan. Haha! Kung alam mong may kapangalan ka o may kaso ka, uh, hindi ko alam kung anong dapat mong gawin. Sorry. Search ka na lang uli sa ibang source/blog.

Iaabot mo rin pala 'yung resibo mo. Susulatan ng kuya 'yun sa likod. Parang code 'yung sinulat niya eh. 'Di ko na matandaan.

Kung ayos ka na dito, diretso na sa...

5. Counter 6: Releasing. Yata. Hindi ko na maalala 'yung tamang term. Anyway, ito na ang last counter sa pag-apply ng NBI clearance. Ang gagawin mo dito, ibibigay mo 'yung resibo na sinulatan ni kuya from counter 5. Tapos, i-check mo 'yung cellphone mo kung may nagtext sa'yo (o kung nasa 'yo pa!) at hintayin na tawagin ang pangalan mo. 'Pag tinawag na ang pangalan mo, lumapit ka dun sa window at kunin ang iyong NBI CLEARANCE! Yess!

Bago ka umexit, may fingerprinting uli, pero right thumb na lang. May wet tissues for sale din dito.

Ayan, tapos na! Inabot kami nang mga 2 oras sa pag-aasikaso ng NBI clearance. Ang bilis lang, ano? Yehey.

Tips to live by:
1) Magsuot ng simple at komportableng damit. Huwag nang magsuot ng mga kumikinang na alahas at hindi naman kailangan 'yan sa pag-apply ng NBI clearance.

2) Magdala ng tissue at alcohol. Para ito sa paglinis ng mga kamay mo pagkatapos ng fingerprinting. Well, kung gusto mo namang bumili ng wet tissue, ok lang din. Wala lang, gusto ko lang gawing tip 'yung pagdala ng tissue at alcohol.

3) Pumunta nang maaga! Mga 7 to 7:45 am siguro, kung gusto mong maging maligaya ang buhay mo. Haha. Kung 8 am onwards ka pupunta, bahala ka. Diskarte mo 'yan. Haha.

4) Sa QC Hall, kahit isang valid I.D. lang ang dala mo, ok lang. Maniwala ka sa akin.

5) Magdala ng black pen. Pangsagot sa form.

6) Maging alerto. 'Wag aanga-anga, ha?

7) Magdala ng water and snacks. Nakakagutom din ang pumila, 'no.

8) Wala na akong maisip.


Sana may natutunan ka sa mga pinagsasabi ko. :)

Lunes, Abril 11, 2011

Unang Sabak

Oooh. So ganito pala magkaroon ng isang blog. Natuwa naman ako. At natawa.

Naninibago pa ako. Nangangapa. At natatawa sa pinaggagawa ko ngayon. Ba't ko ba biglang naisipang mag-blog? Hahaha!

Actually, noon ko pa planong gumawa ng isang blog. Hindi lang matuluy-tuloy dahil sobrang busy ako nu'ng may pasok pa--assignments, homeworks (ano nga uli pagkakaiba nila?), short quizzes, long quizzes, projects, papers, reporting, case studies, lab layp, at kung anu-ano pang maaaring pagkabisihan ko noong may pasok pa. At dahil bakasyon na naman ngayon, ayan, gumawa na 'ko ng sarili kong blog. Yehey.

Sinilip ko kung ano itsura ng blog ko. Pambihira, puro libro ang background! Hahaha! Para naman akong nerd niyan. O kaya book critic. Cool!

Nye, bigla akong nagtaka, ba't ganyan ang title ng blog ko? "I am Absolutely not Bored", hahaha! Parang ewan lang. English ang title pero puro Filipino ang magiging blog posts. Oo, hangga't maaari, Filipino ang gagamitin kong wika sa pagsulat ng blog posts. Bakit kamo? Dahil mas komportable ako sa wikang iyon. At mas mae-express (ok, ito na 'yung exception) ko nang mas maayos ang mga gusto kong sabihin.

Well, actually, baka puro taglish ang gawin ko dito. Bahala na.