Huwebes, Enero 30, 2014

Gusto mo gumawa ng taong nyebe?

Weee! Ang sarap ng panahon, ang lamig!

Ang lamig sa gabi, lalo pang malamig sa umaga. Sarap! Tamang-tama 'yung paglabas ng movie na Frozen (do you wanna build a snowman?). Dahil sa klima ngayon, hindi ako masyadong pinapawisan at nanlalagkit kapag nagco-commute. At hindi rin masyadong mabilis uminit ang ulo ko sa mga pang-asar na commuters. Biro lang.

Perfect ang panahon na ito para sa mga hot chocolate, mainit na kape, mainit na pandesal, mainit na lugaw/goto, at mainit na muffin. Parang mas Pasko pa nga 'yung pakiramdam ngayon dahil sa malamig na klima. Hindi nga ganito kalamig nu'ng nakaraang Pasko, 'di ba? Iniisip ko nga, ano kaya, maglagay uli ng Christmas lights at Christmas tree sa mga establisimyento ngayon? So Christmassy kasi eh. Hahaha.

Pero weird 'yung ganito, 'no? Kasi dapat tuwing Nobyembre hanggang Disyembre 'yung ganito kalamig na klima. Ito na ba ang epekto ng global warming? Unti-unti nang nagkakanda-gulu-gulo 'yung mga panahon. Sobrang init, sobrang lamig. Sobrang tuyot, sobrang bagyo. Nakababahala.

'Wag naman sanang maubos ang pasensya ng Mother Earth sa ating mga tao.

At sana rin, hindi na ako ma-LSS sa "do you wanna build a snowman?" :)