Miyerkules, Nobyembre 5, 2014

Carbonara: The Ultimate Comfort Food!

Hello! Hahaha ngayon lang uli nakapag-blog. Sorry naman, busy lang ang peg.

Bilang regalo sa aking mga mambabasa (wow, meron?), mayroon akong inihandang recipe para sa inyo! Yey. Tuturuan ko kayong magluto ng isa sa mga paborito kong pagkain, ang Carbonara.

May dalawang bersyon ako ng Carbonara: isang creamy version (gawa sa cream of mushroom at all-purpose cream) at isang made with eggs (at konting milk) only. Ang ituturo ko sa inyo ay 'yung gawa sa itlog lamang. Ayos ba?

Ingredients (kayo na bahala magtantya haha):
Pasta, spaghetti or linguine--pero mas gusto ko ang linguine
Cloves of garlic, chopped
Bacon
Ham
Egg
Milk--konti lang, mga 1 kutsara
Butter or extra virgin olive oil
Parmesan cheese--marami!
Ground pepper--marami rin

Procedure:
Pasta
>Lutuin ayon sa nakalagay na instructions sa pakete. Isantabi.

Egg
>I-whisk ang egg. Isama ang milk. Isantabi.

Sauce
1. Tunawin ang butter (or oil) sa kawali. Ilagay ang bacon at hayaang maluto. Pwede nyong itusta kung gusto nyo. Mga 3-4 minutes siguro. Basta hayaang lumabas ang oil nito. Masarap ang bacon oil hihi.
2. Ilagay ang garlic at ham. I-saute nang mga 1-2 minutes. 'Wag itutusta 'yung bawang--kadiri na lasa 'pag ganun.
3. Habang may apoy pa, ilagay ang pasta noodles. Hayaang mabalot sa bacon oil ang bawa't noodle. Dagdagan ng kaunting tubig (as in konti) kung kinakailangan.
4. Alisin ang apoy. Dahan-dahang ilagay ang egg mixture habang hinahalo ang noodles. Ito ay upang maluto ang itlog sa init ng pasta (yehes).
5. Isama ang Parmesan cheese at paminta. Paghalu-haluin ang pasta hanggang sa pantay nang nahalo ang cheese at paminta sa noodles.
6. Mag-sprinkle ng Parmesan at paminta uli bago ihain.
7. Kainin at mag-enjoy habang nanonood ng TV. :)

And there you have it! My home-cooked Carbonara! Saraaap, so comforting hihi. :)