Huwebes, Agosto 9, 2012

Job Hunting Tales (Part 2)

May trabaho na ako! Yehey! Thank You, Jesus! :)

Ang dami kong pinagdaanan bago ako nagkaroon ng trabaho. Noong bum pa ako, palagi akong nakatitig sa aking cellphone, inaasam ang tawag mula sa mga kumpanya. Buong araw rin akong nakatambay sa jobstreet.com at nag-aabang ng mga latest job posts. At syempre, hindi mawawala diyan ang pag-attend ko sa mga job interviews. Oo, job interviews: ang pinakanakakapagod, pinaka-nakaka-drain, at pinaka-challenging na activity na ginagawa ng isang unemployed na gustong maging employed!

Noong college student pa lang ako, palagi kong iniisip: pwede bang magkatrabaho nang hindi sumasalang sa interview? Eh kasi naman, mahiyain talaga ako pagdating sa ganyan! Hay nako. Speaking confidently IN ENGLISH is not my forte. Kaya nga, sa mga nauna kong interviews Job Hunting Tales Part 1, palagi akong pumapalpak. Argh.

Naalala ko tuloy 'yung napuntahan kong interview dati. Eh di usap-usap kami ng HR. Tapos habang nag-uusap kami, napansin ko, nagdo-drawing siya sa application form ko ng downward arrows in red ink habang nagsasalita ako. Downward arrows. In red ink. Tapos dinidiinan pa niya 'yung pagka-drawing niya. @#$%! Ano 'yun?! Ano problema niya? Binubully ba siya noong bata pa siya? Panira ng araw. Kakainis yung HR na yun! Booo!

May pinuntahan din akong interview dati sa may Ortigas. Habang nagsasalita ako, bigla ba namang humikab 'yung HR! Medyo nawala ako sa pagsasalita pero naagapan ko naman. Takte 'yun. Kung maka-distract eh. Hay. Hahaha.

Ganyan ba talaga mga HR? Anong mundo meron sila? Para silang mga hari at reyna na kailangang pasayahin. Hmm, parang gusto ko na ring mag-HR ah. Pero not now. Or maybe, never. Masaya na ako sa field na napasok ko ngayon! :D

Good luck and God bless sa mga naghahanap ng trabaho ngayon! Just trust in the great, great power of the Lord! :)

Huwebes, Hunyo 14, 2012

Job Hunting Tales (Part 1)

Ok. So I failed four (Yes, four. Apat. 넷.) INITIAL job interviews already. Initial pa lang 'yan ha. Hindi man lang ako nakalagpas-lagpas sa stage na 'yan. How frustrating.

Ewan ko ba, ano bang meron 'pag nagsasalita ako? Tanggap ko kung failed ako sa first interview dahil hindi naman talaga ako handa noong pumunta ako doon, pero pati ba naman 'yung mga sumunod? This is so alarming. Argh.

Why do I have to experience this kind of pain? Why? Huhu. Ang hirap pala talagang maghanap ng trabaho.

Sobrang nate-test 'yung faith ko sa Diyos. Ang sabi, kasalanan ang mag-worry. But I can't help it. 'Yung iba kong batchmates, may mga trabaho na. Ang lalaki pa ng sweldo. Samantalang ako, 'eto, kain-tulog sa bahay. Nahihiya na nga ako sa mga magulang ko eh! Sigh. :(

Pero sabi nga ng Diyos, "Do not worry about your life, what you will eat; nor about the body, what you will put on," (Luke 12:22). Alam ko naman na may maganda at perpektong plano Siya sa buhay ko kaya ako hindi pumasa sa apat na initial interviews ko. Sabagay, 'yung isang company na tumawag sa 'kin, sobrang against ako sa product nila. Kung nakapasa siguro ako dun, malamang maging ambassador pa nila ako. Nyay.

The Lord is our Omnipotent God. Alam kong hindi Niya ako pababayaan. I just have to trust His great, great Power and put my faith in Him.

<3

Miyerkules, Mayo 30, 2012

Happy Saengil! :)

오늘은 소녀시대 임윤아 생일이에요. 생일 축하합니다, 임윤아!

:)

Biyernes, Mayo 4, 2012

Of Blue and Rainy Days

Buwan na ng Mayo ngayon. At nagsisimula nang umulan-ulan. Ang perfect na theme song para sa ganitong panahon? "Blue" by BIGBANG. Wooot! Tungkol sa breakup ang awiting ito (Awitin. May gumagamit pa ba ng salitang ito? Hahaha), pero bagay na bagay ang melody nito sa pagbuhos ng ulan mula sa makulimlim na langit. Kasama ang isang tasang kape at blueberry muffin (pwede rin banana muffin haha), masarap makinig sa "Blue" ng BIGBANG. :)

Miyerkules, Abril 25, 2012

What sunflowers mean to me :)


Finally.

Thank You, Jesus, for making me graduate! Though I spent six years in college, I know that it is part of Your perfect plans for me. Thank You, Jesus, for making my college life very joyful and blessed. Amen.

:)

Linggo, Abril 1, 2012

Wintermelon = Kundol :)

Hindi ako makapaniwala! Ang Wintermelon na kinababaliwan ng lahat na flavor ng milk tea ay KUNDOL pala! Nalaman ko 'yan nu'ng nanood ako kanina ng "Ang Pinaka" sa GMA News TV. My gosh.

Gulat na gulat eh. Sorry naman. Eh akala ko naman kung anong prutas 'yang wintermelon na 'yan. Akala ko gintong bunga na tumutubo sa puno sa ibang bansa. 'Yun pala, kundol 'yun! Ibig sabihin, noong bata pa pala ako naka-encounter ng wintermelon na 'yan! Noong maliit kasi ako, bumibili nanay ko ng kundol na binalot sa asukal--ewan kung anong tawag dun. Basta parang candied kundol. Masarap 'yun, actually. Pero ngayon, parang hindi na 'ko nakakakita ng ganyan sa merkado. Bakit kaya?

Natatawa lang din ako dahil kasama pa sa "Bahay Kubo" ang kundol ('di ba ganito 'yun: "KUNDOL, patola, upo't kalabasa, at saka mayro'n pang labanos mustasa..."), tapos kung maka-image naman 'yang wintermelon sa mga milk tea shops, akala mo bunga na inangkat pa mula sa mararangyang bansa. Eh 'yun pala, talagang parte na ng pagkatao natin ang wintermelon. Maliliit pa lang tayo, binibigkas na natin ang wintermelon dahil sa kantang "Bahay Kubo". Maliliit pa lang tayo, nakakain na tayo ng wintermelon dahil sa binibiling candied kundol ng mga nanay natin.

Iniisip ko, bakit nga ba ang daming sumasamba sa wintermelon milk tea? Oo, masarap siya. Nakaka-relax nga 'yung lasa eh. Refreshing, kumbaga. Pero kaya naman kasi marami ring bumibilib sa wintermelon milk tea na 'yan ay dahil tinatakan siya bilang isang dayuhang produkto. Imported, sa madaling salita. Hindi kataka-takang marami, lalo na ang mga kabataan, ang bibili at iinom niyan dahil "hindi lokal na produkto" 'yan. Eh paano kaya kung "Kundol milk tea" ang pagka-brand sa wintermelon milk tea? Ganun pa rin kaya kainit ang pagtangkilik ng mga tao sa inumin na 'yan?

Hindi ko sinisiraan ang wintermelon milk tea. Sige, uminom lang tayo nang uminom niyan. Masarap uminom ng wintermelon milk tea lalo na ngayong summer. Pero 'wag tayong pabubulag sa konsepto na lokal = baduy, jologs, pang-mahirap. At 'wag ring kalilimutan na ang wintermelon ay kundol! :)

Happy summer! :)

Martes, Marso 20, 2012

Time Machine

Minsan ba, naisip mong sana, may time machine talaga dito sa mundo?

Ngayong mga oras na ito, iniisip kong sana totoo na lang ang time machine. At si Doraemon. Para mabalikan ko ang nakaraan at maitama ang mga pangyayari! Argh! Kasi ba naman, na-miss ko 'yung isang event na required kong panoorin para sa PE ko na Cheerleading. As in nalaman ko lang 'yung date ng event dalawang oras ang nakalipas pagkatapos ng event. Naiinis ako! Wala akong ibang masisi kundi ang sarili ko. Which is making me want to smash the windows of my room right now. Ugh I feel sick.

Kung may time machine lang talaga, babalikan ko ang Friday last week. Tapos 'pag nasa Friday na ako, pupuntahan ko 'yung gym para i-check 'yung date ng event na dapat kong panoorin. Waaah! I hate myself. Sana halaman na lang ako. Hahaha.

Kaya ako namomroblema nang ganito ay dahil GRADUATING ako! Hindi ko pwedeng ibagsak 'tong PE ko. No way! Bibingo na talaga ako sa mga magulang ko. :(

Kaya nga humihingi ako ng lakas mula sa Diyos. He is our Omnipotent God. Kaya nga nagtitiwala ako sa kabutihan at kapangyarihan Niya. 'Di ba nga, hindi naman Siya magbibigay ng problema na hindi natin kakayanin? Alam kong may gustong iparating at iturong napakagandang bagay ang Lord sa akin. So right now, I am declaring, "Malalagpasan ko itong problema ko, in the Holy Name of Jesus!" :)

I love You, Jesus, my Savior and my Strength! :)

Miyerkules, Pebrero 29, 2012

Of Feb. 29 and Cheese Sticks, este, Turon

Happy February 29! Hehe. :)

Hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Bakit kamo? Dahil ang araw na ito ay ang araw kung kailan ako nakakita at nakakain ng turon na singtaba ng daliri ko. Haha! Nag-order kasi ako kanina sa Mang Inasal ng Turon Split, isa sa mga bago nila food choices. Ang gara pa ng pagkadisplay ng picture ng Turon Split nila eh: tatlong malalaking scoop ng ice cream na pinaliligiran ng dalawang matatabang banana turon. Sarap. Tapos pagkabukas ko ng lalagyan (nag-take-out kasi ako), nye! Ang papayat ng turon! Akala ko cheese sticks. Hahaha! Seryoso. (Pero masarap naman, in fairness.)

Actually, hindi 'yan ang first time na medyo na-disappoint ako sa order ko sa Mang Inasal. 'Yung mga bagong dinagdag sa menu nila 'yung ikina-disappoint ko eh. 'Yung palabok nila, anubayun, pasta ng spaghetti yata 'yung ginamit na noodles. Ew. Dapat sana 'yung totoong noodles na pang-palabok talaga 'yung ginagamit nila. 'Yung chicken skin chicharon nila, bagong prito pagka-serve sa amin. (Uy ayos 'yan ah, bagong luto.) Bagong luto nga, sa styro naman nilagay. Eh 'di natunaw 'yung styro niyan! Pagbukas namin ng styro sa bahay (oo na, mahilig na ako mag-take-out), butas 'yung ilalim! Eh kasi nga natunaw na dahil sa init siguro ng oil. Kaloka. Sayang pera namin!

Sa lahat ng bagong labas na pagkain sa Mang Inasal, sa Saging Melt lang ako natutuwa. Ang sarap eh! Mura pa! Php 39 lang! Bili ka kapag kakain sa Mang Inasal! Yum! :)

Paglaki ko, gusto ko mag-franchise ng Mang Inasal. Hehehe.

:)

Martes, Pebrero 28, 2012

Graduation. Yehey please. (Yehey!)

Wow! Nag-graduate na sina Ryeowook at Siwon ng Super Junior noong February 24 sa Inha University. Congratulations! 축하합니다 려욱 오빠와 시원 오빠! :)

Ako naman, uh, ga-graduate na rin this April. Pero, pero, p-p-pero...MAY ISANG INCOMPLETE PA KAMING SUBJECT! Argh.

Alam mo ba ang pakiramdam na may incomplete ka pang subject? 'Yun bang gusto mong matuwa dahil malapit na ang graduation, pero hindi mo magawa dahil hindi pa kayo nakakapagsumite sa inyong guro ng kulang na requirement? 'Yun bang gusto mo nang gawing profile picture sa Facebook ang grad pic mo, pero hindi mo magawa dahil hindi mo ma-feel ang graduation? 'Yun bang napakalakas mong tumawa habang kasama ang mga kaibigan, pero pag-uwi mo sa bahay, back-to-reality na naman ang drama mo dahil naaalala mo na naman ang incomplete mo? 'Yun bang gusto mo nang sumuka, ibato ang mga upuan, baliktarin ang mesa, suntukin ang pader, sulatan ng graffiti ang pintuan ng department ninyo, pumunta sa ilalim ng shower habang nakaupo sa sahig ng banyo, kainin ang mga halaman sa hardin ninyo, umakyat ng puno at magsisisigaw, kalugin ang gate ng kapitbahay mo, at ibahin ang topic sa tuwing naririnig mong binabanggit ang incomplete subject mo? Alam mo 'yung pakiramdam na 'yan?! Ang sakit...

Pero siyempre, hindi naman ako nawawalan ng pag-asa. Alam kong hindi ako pababayaan ng Diyos, lalo na sa aspetong ito ng buhay ko. Alam kong maco-complete rin namin ang subject namin bago mag-graduation, KUNG kikilos kami at tatapusin na ang requirement naming paper. Hindi ko alam, pero parang tinamad kasi kami ng mga ka-grupo kong tapusin ang paper namin. Kaya nagdasal ako kay Lord. Sabi ko, "Jesus, tulungan Ninyo po akong ma-complete na 'yung paper namin sa ___ (ayoko banggitin 'yung subject haha)." That was last week, I think. At ngayong araw na ito, bigla akong ginanahang gawin na 'yung paper namin. Yehey! Thank You, Jesus, for giving me strength and enthusiasm! :)

"Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa." Totoo 'yan. Pati 'yung "Ask and it will be given to you; seek and you will find; knock and the door will be opened to you" ng Matthew 7:7. These sentences are just two of the things that make me trust Jesus and His awesome power. :)

Magandang gabi! :)

Biyernes, Pebrero 24, 2012

Bigoli - Eastwood: A Food Review

('Eto, nagfi-feeling-feelingan uli ako bilang isang food critic. 'Wag magreklamo, blog ko 'to. Hehe.)


Isa sa mga "hinahangaan" kong kainan ay ang Bigoli. Una ko itong na-diskubre sa Trinoma. At sa tuwing kakain ako doon, ang palagi kong inoorder ay ang kanilang Italian Chicken. Ang sarap kasi eh--savory, hindi dry 'yung meat, full of flavor, tapos tangy 'yung sauce. Mmmm.

First time kong kumain sa Eastwood branch ng Bigoli kahapon. Excited pa akong pumasok doon dahil makakakain na naman ako ng napakasarap nilang unlimited garlic bread sticks (yumyumyum). As usual, ang inorder ko kahapon ay 2-pcs Italian Chicken with Fettuccine Carbonara. Nu'ng tinikman ko na 'yung inorder kong chicken, na-weirdohan ako. So tinikman ko uli. Waah bakit ganon? Ang alat! Parang rock salt 'yung ginawang breading. Kumain uli ako. Hinahanap ko 'yung tangy taste na meron ang Italian Chicken sa Trinoma branch nila. Kinain ko muna 'yung carbonara ko tapos chicken uli. Wala, maalat talaga. Kainis, ni-recommend ko pa naman sa mga kasama ko 'yung Italian Chicken, tapos hindi naman sila nasarapan. Eh ang alat eh!

Anyare? Nagbago na ba ng timpla ang Bigoli sa Italian Chicken nila? O sadyang magkaiba lang talaga ang luto ng chicken sa Trinoma branch at Eastwood branch? I miss the tangy taste of Italian Chicken...

Hay nako, sa Bigoli-Trinoma na nga lang talaga ako kakain. Bwaha.

Good morning sa inyo! :)

Miyerkules, Pebrero 1, 2012

Araw ng mga Puso: pauso! :P

Ang tagal kong hindi nakapag-post ah. Anyway, happy new year sa inyong lahat! :)

Pebrero na naman. Ang kinatatakutan kong buwan. Nakakainis! Sa buwang ito dapat dinadaos yang mga Halloween-halloween specials eklavu na yan at hindi tuwing Nobyembre! Haha parang ang bitter talaga eh. Sorry naman. Eh sa nalulungkot ako tuwing Pebrero eh, lalo na kapag ika-labing-apat na ng buwan. Hrrr.

May mga palamuting puso na naman sa mga mall. Mga magsyotang magka-holding hands. Mga nagtitinda ng roses sa kalye. Puso, holding hands, rosas--ang kokorni nyo! Echos lang. :)

Subalit, sabi nga nila, patience is a virtue. And love is beautiful. Kaya I entrust to the Lord everything. I trust His perfect plans for me. Kaya sa mga singles diyan, 'wag maging bitter ha! Lalo na tuwing Pebrero! I-enjoy nyo lang ang pagiging single. 'Yung iba ngang may asawa na diyan, pinapangarap bumalik sa pagka-single eh. At kaya naman hindi pa dumadating 'yung "the one" ay dahil siguro hindi ka pa handa, 'di ba? Magpayaman muna tayo habang single pa at wala pang mabigat na obligasyon. Ok?

Pero sana liitan ng mga mall 'yung mga heart decorations nila. Harhar.

Happy Valentine's! <3 <3 <3