Martes, Pebrero 18, 2014

Juan for All, All for Juan (Bayanihan op d' Pipol)

Anong nangyayari sa Eat Bulaga?

Ang pinakapaborito kong panoorin ay ang segment nilang "Juan for All, All for Juan". Tawang-tawa ako sa biruan nina Jose, Wally, at Paolo. Ang classic kasi ng pakikipagkulitan nila sa nanalo; hindi corny at hindi pilit. Genuine ang happiness, kumbaga. At nung nawala naman si Wally, nakakatawa pa rin naman ang Juan for All dahil na-sustain at na-maintain naman nina Jose at Paolo 'yung level of happiness ng segment.

Pero simula nang bumalik si Wally noong nakaraang Pebrero 8, nakupo, ang awkward na bigla ng Juan for All. It's a pain to watch. Hindi nagsasalita si Wally, hindi rin kinakausap nina Bossing si Wally. Parang ang hirap huminga habang nanonood ng segment na 'yun. Hindi mo alam kung tatawa ka o hindi eh. O kung tatawa man, may awkwardness na madarama dahil nga awkward mismo 'yung hosts sa isa't isa.

Maraming "sana" 'yung maiisip dito eh. Sana hindi na muna pinabalik si Wally. Sana nag-usap-usap at nagkaintindihan muna sina Wally at ang mga hosts, lalo na sina Vic at Tito Joey (Tito? Feeling close haha). Sana hindi na "awayin" nina Bossing si Wally. Sana "mapatawad" na nina Bossing si Wally. Sana...sana...sana hindi na lang ginawa ni Wally 'yung iskandalo niya dati...

At sana bumalik na sa dating sigla ang Juan for All, All for Juan. Nakaka-miss eh.