Martes, Disyembre 30, 2014

Carbonara: The Creamy Version

Isa ang Carbonara sa mga paborito kong pagkain. Napakamalinamnam kasi ng gatas. Kaya naman ituturo ko sa inyo ang ikalawang bersyon ko ng pagluluto ng Carbonara--iyong gawa sa cream. (Para sa unang bersyon ko na gawa sa itlog lamang, paki-click ang link na ito: Eggs version)

Ingredients (kayo na magtantya kung ga'no karami ang trip n'yo):
Pasta, spaghetti or linguine
Cloves of garlic, chopped
Bacon
Ham
All-purpose cream
Cream of Mushroom
Extra virgin olive oil
Parmesan cheese
Ground pepper

Procedure:
Pasta
>Lutuin ayon sa nakalagay na instructions sa pakete. Isantabi.

Sauce
1. Tunawin ang butter (or oil) sa kawali. Ilagay ang bacon at hayaang maluto. Pwede nyong itusta kung gusto nyo. Mga 3-4 minutes siguro. Basta hayaang lumabas ang oil nito. Masarap ang bacon oil hihi.
2. Ilagay ang garlic at ham. I-saute nang mga 1-2 minutes. 'Wag itutusta 'yung bawang--kadiri na lasa 'pag ganun.
3. Ibuhos ang cream of mushroom. Haluin at i-simmer nang mga 5 minuto.
4. Ibuhos naman ang all-purpose cream. Haluing maigi habang nilalagay ang parmesan cheese at paminta. Haluin nang mga 2-3 minuto.
5. Habang nasa pinakamahinang apoy, ilagay ang pasta noodles upang mabalot ang bawa't noodle ng sauce.
6. Alisin sa apoy ang pasta. Magbudbod ng Parmesan at paminta uli bago ihain.
7. Kainin at mag-enjoy habang nanonood ng comedy movie. :)

Isa ang Carbonara sa mga madadaling lutuing pagkain. Pwedeng pangtanghalian, merienda, o gabihan. Ano pa'ng hinihintay n'yo? Luto na! Hihihi.