Martes, Oktubre 29, 2013

Peke.

Gusto mong makatipid ng pera? Huwag kang bibili ng peke.

Noong bagu-bago pa lang ako sa trabaho ko, ang isa sa mga pinagkagastusan ko ng sweldo ko ay ang pag-shopping. Mahilig akong bumili ng mga kwintas at hikaw sa isang store na malaki na may branches sa mall na may dalawang letra lang (gets?). Ang ganda kasi ng disenyo, tapos hindi pa ganoon kamahal. Actually, mahal ang tinda nilang alahas, malamang hindi kakayanin ng budget ng isang college student. Pero kung ikukumpara sa ibang tindahan, aba'y mas mura naman ang kanilang tinda.

Anyway, makalipas ang ilang buwan, nangupas na 'yung kulay ng mga kwintas at hikaw na binili ko. Well, inaasahan ko naman 'yun dahil alam ko naman na peke sila. 'Yun nga lang, lahat ng binili kong necklace at earrings, parang tinubuan ng kung anong mold/bacteria/kalawang/alien. Nyay! So gross.

At anong ginawa ko? Tinapon ko. Kahit m-m-masakit *hikbi*. Eh hindi ko na rin naman magagamit dahil kala-kalawang na nga. Alangan namang isuot ko pa eh 'di na-tetano naman ako nyan. Diretso tuloy sa basurahan 'yung pera ko!

Lesson learned? Ang hindi na bumili ng pekeng gamit! Sa umpisa lang maayos, pero sa katagalan, masasayang rin 'yung binayad mo, kasi nga mabilis mo lang magagamit. Sa huli, parang mas napamahal ka pa.

Sa ngayon, ipupundar (yes, tunog-matanda haha) ko muna 'yung pera ko sa mga mas makabuluhang bagay, tulad ng pinapangarap kong bahay. :)

Lord Jesus, tulungan Ninyo po akong maging wais pagdating sa gastos. Gabayan Ninyo po ako. Amen. :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento