Linggo, Oktubre 20, 2013

Wait-listed? Or Faith-listed?

Isa na namang ka-henerasyon ang engaged.

Hindi sa naiinggit ako, pero parang ganun na nga. 'Yung iba kong mga ka-batch at kalapit ng edad, kung hindi engaged, kinasal na. 'Yung iba nga, may mga anak na eh. Panic mode na ba dapat ako? Haha.

Ang sabi ng iba, kaya hindi pa raw dumarating si Mr./Ms. Right ay dahil nire-ready pa tayo ng Diyos upang maging karapat-dapat sa kanila. And vice versa. Hindi ko alam kung pampalubag-loob ba 'yan, pero may punto nga naman 'yan. Oo nga naman, hinuhubog muna ang ating katauhan para kapag dumating na ang prinsipe o prinsesa ng ating buhay eh handang-handa na tayo.

Hmm, so ibig sabihin, hindi pa ako ready? Pambihira naman, ano pa bang dapat i-develop sa aking ugali upang maging karapat-dapat kay Mr. Right?! 'Yung pagiging masungit ko ba? 'Yung pagkakaroon ng maiksing pasensya? 'Yung pagkahilig ko sa Super Junior?

May nabasa ako sa aking news feed sa Facebook. Ang katagang "I need a boyfriend" daw ay isang kasinungalingang binubulong ni Satanas sa tao. Hindi ko alam ang malalim na paliwanag nito, pero naniniwala naman ako dyan. Ang dapat siguro ay, "I need Jesus" muna kaysa boypren, ano? Hindi maganda na ang unang iisipin natin ay kailangang mangailangan ang isang tao ng isa pang tao upang maging masaya. Ang kailangan muna, maging masaya dahil alam mong mahal mo at mahal ka ng ating Diyos.

Lord Jesus, kung sino po ang ibibigay Ninyo sa akin, at kung saan at kung kailan, inaasa ko po ang lahat sa Inyo. I entrust to You my life. You are our omnipotent God, Amen and Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento