Miyerkules, Oktubre 16, 2013

Basa basa rin 'pag may time

Nakakaaliw magbasa ng sagutan ng mga Pilipino sa mga forum. May sensitive, may know-it-all, may palamura, may malabo, may nanggagatong, atbp. Meron pa dyan na nagsusulat ng malanobelang opinyon na tila pwede nang gawing thesis sa eskwelahan. Mga Pilipino nga naman, oo!

Noong Lunes, ika-14 ng Oktubre, nagdaos ng medical mission ang Iglesia ni Cristo o INC na ginanap sa Maynila. Pambihira, ang daming tao! (Akala ko nga wala kaming pasok sa opisina dahil sa trapik, sayang haha.) At dito na nagsimula ang debate ng ating mga kababayan. Bakit nga ba nagdaos ng malawakang medical mission ang INC? Ang sabi, ito ay parte ng kanilang pangdiriwang ng kanilang ika-100 anibersaryo sa 2014. Ang sabi naman ng iba, may iba pang malalim na dahilan kung bakit ito isinagawa ng grupo. Ang isa sa mga pinaghihinalaang dahilan ay ang pulitika. Hmmm...

Kung babasahin ang mga argumento sa mga forum, makikita na hindi lang pagtatanggol o pagtuligsa sa grupo ang mayroon; mayroon ding mga tsismis at paghukay ng mga baho ng isa't isa! Hay nako, should I get a bag of popcorn? Hahaha. May mga argumento ring nagbabanggit ng mga Bible verses kaugnay sa isyu. Hmm, nami-miss ko tuloy ang Bible. Parang ang tagal ko nang hindi nakakahawak ng Bibliya (at syempre, pati pagbabasa!). Nakakalungkot ba? Ako man ay nalulungkot dahil hindi man lang ako makapagbuklat ng Bible. Nakaka-miss 'yung mga kwento tungkol kina Joseph (ito ang isa sa mga paborito kong istorya sa Bible) at Elias (ang propeta ng apoy hehe). Syempre nakaka-miss rin 'yung kwento tungkol sa anak ng Diyos na si Hesus. Pati 'yung mga comforting words sa Psalms. Hay.

Sana makapagbasa na uli ako ng Bible. Sana mas unahin ko 'yun kaysa sa pagbabasa ng mga away, debate, at tsismis sa forum.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento