Linggo, Oktubre 27, 2013

Magpasikat

"Sana, artista na lang ako."

'Yan ang madalas kong isipin kapag nabuburyong na 'ko sa trabaho ko. Kasi naman, sikat ka na, may mga baliw na fans ka na, may malaking kita ka na, may libre ka pang damit at makeup from sponsors! Tapos marami ka ring cake na may mukha mo kada-birthday mo. O, ang saya, 'di ba?

Ang gagawin mo lang bilang artista, aarte sa harap ng camera. Magpo-pose habang kinukuhanan ng picture para sa isang endorsement. Magpapa-interview sa mga showbiz talk show sa tuwing may bagong ipo-promote na palabas. Magsasabi lang ng "no comment" o kaya "we're just friends" kapag dinudumog na ng press. Ngingiti at kakaway sa mga fans. At higit sa lahat, magpapaganda dahil isa ito sa mga puhunan upang maka-survive sa mundo ng showbiz.

Ang sarap.

Pero parang ang hirap umarte, ano? 'Yung iiyak ka na lang bigla kapag sinabi ng direktor. Nye, hindi ko yata kaya 'yun. Lagyan ko muna ng Vicks 'yung mata ko haha. Tapos mahirap ding magpatawa. Dapat witty 'yung punch line mo, kung hindi, masasabihan ka nang "corny", "olats", at "wala ka pala eh".

Ang dami ring plastik sa showbiz, ano? Shocks, hindi ko kayang makisama sa mga plastic, backstabber, at peke. Ugh. Nandyan din 'yung mga snoopy at mga pakialamero't pakialamerang media. Iniisip ko palang, parang gusto ko nang mag-dirty finger. Haha. At 'yung fans? Ok lang 'yan pero may mga creepy rin na fans, 'di ba? 'Yung tipong alam na alam 'yung mga detalye ng katauhan mo. Oooh *shivers*

Buti na lang hindi ako artista.

Pero kung kukunin akong extra sa "Maalaala Mo Kaya" o kaya sa "Bubble Gang", ok sa olrayt sa 'kin 'yan! Woohoo! *twinkling eyes*

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento