Miyerkules, Disyembre 25, 2013

Maligayang Pasko :)

Merry Christmas! :D

Naiintindihan ko na kung ano ang ibig sabihin ng "Ang Pasko ay para sa mga bata". Dati hindi ko maintindihan kung paano nasabi 'yan eh. Iniisip ko, "bakit naman para sa mga bata lang? Para sa lahat kaya! Ang saya-saya talaga tuwing sasapit ang Pasko! Woohoo!" Ganun. Pero habang patagal nang patagal, parang nababawasan 'yung saya na nararamdaman ko kapag papalapit na ang Disyembre. Para bang hindi na ako ganun ka-excited mag-Pasko...

Siguro ay dahil patanda na ako nang patanda? O hindeeee. Hahaha. Dati nung bata pa ako, natutuwa ako sa tuwing papalapit na ang Pasko. Alam mo 'yung genuine happiness? 'Yun bang feel na feel ko 'yung Christmas wind, Christmas snow (bakit ba, walang basagan ng trip), Christmas decoration sa mga mall, Christmas songs sa radyo, Christmas station ID ng channel 2, at kung anu-ano pang pakulo tuwing Christmas. Naalala ko pa dati, sobrang excited ako mamili ng mga panregalo sa mga kabigan. Ililista ko lahat ng bibigyan ko pati kung ano ang ibibigay ko sa kanila. Dadayo pa ako sa 168 at SM para makabili ng mga regalong swak sa budget na inilaan ko.

Ngayong matanda na ako (really hate saying that) at may trabaho na, para bang tinamad na ako. Alam mo bang wala akong nabiling regalo sa mga pinsan ko? 'Yung mga regalo ko naman sa mga ka-opisina ko, kalahati pa lang 'yung nababalot ko. Tapos tinamad na rin akong mag-text sa mga kaibigan ng "Merry Christmas". Sa Facebook naman, hanggang scroll up and down lang ako sa news feed. Gusto ko lang magbasa ng "Merry Christmas" posts. Pagkatapos niyan, natulog na ako. Zzzz.

Tumatanda na nga ba talaga ako at hindi na ako kasingsaya tulad nung bata pa ako? O sadyang hindi ko naisip ang tunay na kahulugan ng Christmas? Alam ko naman na iyun ang kaarawan ni Kristo, pero, pero...oh well, siguro nga hindi ko na-feel ang Christmas spirit this year. Marahil ay dahil hindi na ako nakakapagsimba? Dahil hindi na ako nakakapakinig ng salita ng Diyos? Hay, ang lungkot. Naiinis ako dahil parang ang tamad-tamad ko na magsimba. Huhu.

Lord Jesus, tulungan Ninyo po akong maging Christian na may faith sa Inyo. Amen.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento