Huwebes, Disyembre 26, 2013

Creepy argh

Diretsahan na. Ayoko ng music video ng "All I Want for Christmas is You" nina Park Bom at Lee Hi. Ang creepy! Sobra.

Ang ganda pa naman ng rendition nila, ang ganda ng mga boses nila, pero 'yung music video, panira eh. Hindi siya 'yung pang-"hooray it's Christmas!" o kaya 'yung pang-ABS-CBN Christmas station ID na mood eh. Tingin ko mas bagay na pang-halloween 'yung video.

Try n'yo na lang i-search sa Youtube 'yung music video, dahil hindi ko ilalagay dito 'yung mv o 'yung link. Tapos search na rin kayo ng explanation behind the music video, because I don't want to explain it here. (sorry, tamad lang haha)

Manonood na nga lang ako ng music videos ng Suju para makalimutan ko 'yung mv nina ate Bom at Hi. Haha.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento