Nakakaaliw magbasa ng sagutan ng mga Pilipino sa mga forum. May sensitive, may know-it-all, may palamura, may malabo, may nanggagatong, atbp. Meron pa dyan na nagsusulat ng malanobelang opinyon na tila pwede nang gawing thesis sa eskwelahan. Mga Pilipino nga naman, oo!
Noong Lunes, ika-14 ng Oktubre, nagdaos ng medical mission ang Iglesia ni Cristo o INC na ginanap sa Maynila. Pambihira, ang daming tao! (Akala ko nga wala kaming pasok sa opisina dahil sa trapik, sayang haha.) At dito na nagsimula ang debate ng ating mga kababayan. Bakit nga ba nagdaos ng malawakang medical mission ang INC? Ang sabi, ito ay parte ng kanilang pangdiriwang ng kanilang ika-100 anibersaryo sa 2014. Ang sabi naman ng iba, may iba pang malalim na dahilan kung bakit ito isinagawa ng grupo. Ang isa sa mga pinaghihinalaang dahilan ay ang pulitika. Hmmm...
Kung babasahin ang mga argumento sa mga forum, makikita na hindi lang pagtatanggol o pagtuligsa sa grupo ang mayroon; mayroon ding mga tsismis at paghukay ng mga baho ng isa't isa! Hay nako, should I get a bag of popcorn? Hahaha. May mga argumento ring nagbabanggit ng mga Bible verses kaugnay sa isyu. Hmm, nami-miss ko tuloy ang Bible. Parang ang tagal ko nang hindi nakakahawak ng Bibliya (at syempre, pati pagbabasa!). Nakakalungkot ba? Ako man ay nalulungkot dahil hindi man lang ako makapagbuklat ng Bible. Nakaka-miss 'yung mga kwento tungkol kina Joseph (ito ang isa sa mga paborito kong istorya sa Bible) at Elias (ang propeta ng apoy hehe). Syempre nakaka-miss rin 'yung kwento tungkol sa anak ng Diyos na si Hesus. Pati 'yung mga comforting words sa Psalms. Hay.
Sana makapagbasa na uli ako ng Bible. Sana mas unahin ko 'yun kaysa sa pagbabasa ng mga away, debate, at tsismis sa forum.
Miyerkules, Oktubre 16, 2013
Huwebes, Mayo 30, 2013
Martes, Mayo 28, 2013
Lukewarm.
May aaminin ako. Ilang buwan na akong hindi nakakapagsimba. Nakakalungkot, 'di ba? Ewan ko ba, late na kasi akong nagigising kapag Linggo. Saka kung medyo maaga naman akong gumising, tinatamad naman akong magsimba. Naiinis ako sa sarili ko!
Nami-miss ko nang pumunta sa simbahan at makinig sa preaching ng pastor. Nami-miss ko nang mag-praise and worship. Nami-miss ko na 'yung mga nagta-tambourine sa harap. Nami-miss ko nang kumain ng ostiya at uminom ng wine tuwing communion. Nami-miss ko nang magbigay ng offering. Nami-miss ko nang makapanood ng mga special number ng mga Church members. At higit sa lahat, nami-miss ko na si Jesus...sobra...
Kailangan kong bumawi. Magsisimba na talaga ako!!!
Mga etiketa:
Jesus,
love,
seryoso ako,
video
Sabado, Mayo 25, 2013
Langit, lupa, impyerno. Im-im-impyerno.
Heto na naman tayo.
Maraming Pilipino ang naasar, nagalit, nabwisit kay Dan Brown dahil sa sinabi niyang "gates of hell" daw ang Maynila. Gates of hell dahil sa "horrible traffic jams, suffocating pollution, massive poverty and a thriving child sex trade" (http://www.smh.com.au/entertainment/books/gates-of-hell-dan-brown-enrages-philippines-20130524-2k55h.html#ixzz2UK1oYaDo). Kung titingnang mabuti, may bahid naman ng katotohanan ito. Hindi nga bahid eh, totoo talaga! Trapik sa may Divisoria dahil sa mga sidewalk vendors. Maalikabok at mausok dahil sa mga tambutso ng sasakyan. Marami ring kalat at basura sa kalsada. At iyang "massive poverty" at "child sex trade"? Totoo rin 'yan! Sos.
Ewan ko ba sa ibang Pilipino. Ang O-OA. Mga ipokrito. Nasaktan sa sinabi ng isang banyagang awtor tungkol sa Pilipinas, eh totoo naman ang sinabi niya. Pero kung makapanlait sa kapwa Pilipino, akala mo wala nang bukas. Hindi ko gusto 'yang si Sen. Nancy Binay, pero nakakaasar lang na biru-biruin at lait-laitin siya dahil sa kulay niya. May mga memes pa, akala mo nakakatawa. Ano ngayon kung maitim ang kulay ng balat? Eh kayumanggi naman talaga ang kulay ng mga Pilipino. Ang nakakalungkot pa, karamihan ng mga Pilipino, iniisip nila na kapag maputi, maganda o gwapo. Pero kapag maitim, pangit na. Anong klaseng pag-iisip 'yan?! Walang kwenta!
Sa nanalong mayor ng Maynila, Mayor Joseph Estrada, ipakita n'yo po kay Mr. Dan Brown na magiging mali ang mga sinabi niya tungkol sa siyudad na pamumunuan ninyo. Thanks!
:)

challenge,
Pilipinas,
seryoso ako
Biyernes, Mayo 24, 2013
Swag.
Where on earth is 2NE1?
They have not released a new single since "I Love You". I know they're busy with their series of concerts, but come on! They need to release a new song now, else they might (I repeat, might) be completely forgotten by people, be it their fans or their haters.
And now from what I've heard, CL will soon be releasing a single. Its title is "The Baddest Female". Hmm, ok. That's great, but where is 2NE1?!
I miss 2NE1. I miss its charm. I miss its uniqueness. I miss its SWAG. Could 2NE1 still retain their title as the Number 1 Baddest Girl Group? Papa YG (Yes, we're close. Haha, kidding), what are your plans now?!
For the meantime, let us watch "I Don't Care", one of the best songs of 2NE1. :)
Martes, Mayo 21, 2013
Energized.
Ang hirap ng trabaho ko.
Bow.
Aminado ako, malayo ang tinatahak kong career ngayon sa kinuha kong kurso noong kolehiyo. Eh, bakit nga ba nandito pa rin ako sa trabaho kong ito? Isa pa, sinabi ko sa sarili ko noon na hinding-hindi ako papasok sa career track na ito. Hmm, anyare sa 'kin, 'teh?
Sabihin na nating na-challenge ako sa trabaho ko ngayon. Para akong nag-aaral uli. Para akong kumukuha ng panibagong kurso. At dahil dyan, gusto kong patunayan sa sarili ko na magiging magaling din ako sa trabahong ito. Na makakaya kong maging dalubhasa sa larangang pinasok ko. NA MATALINO AKO.
Maraming kailangang matutunan. Maraming kailangang aralin. Maraming kailangang patunayan.
Ang saya ko :)

aral,
challenge,
seryoso ako,
trabaho,
trip ko 'to
Lunes, Pebrero 11, 2013
Detective Conan Episodes 667-668: Wedding Eve :)
Hello! Wow, ang tagal ko ring hindi nakapag-post. Sorry naman, busy ako eh. Hahaha.
Bago ko makalimutan, Merry Christmas at Happy New Year nga pala sa lahat! :)
At dahil Pebrero na naman, Happy Valentine's sa inyo!
Ok, change topic na. Wahaha. Grabe, ang saya ko. Kakanood ko lang kasi ng isa sa mga paborito kong series, ang Detective Conan. Simula grade school ako, nanonood na 'ko nun eh. Ang talino kasi ni Conan Edogawa/Shinichi Kudo sa pagresolba ng mga mysteries. Saka mapapaisip ka rin talaga kung sino ang tunay na culprit at kung paano niya ginawa 'yung krimen at kung paano napagtagpi-tagpi ni Conan ang mga ebidensya.
Isa sa mga magagandang episode ay 'yung Episode 667-668: Wedding Eve. Ang galing ng pagkagawa ng kwento. Solid. Hindi siya 'yung pinilit lang na mystery. Nakakatuwa. Kaya kung ako sa 'yo, panoorin mo itong episode na ito. :D
Magandang araw, kaibigan! :)

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)