Sabado, Mayo 25, 2013

Langit, lupa, impyerno. Im-im-impyerno.

Heto na naman tayo.

Maraming Pilipino ang naasar, nagalit, nabwisit kay Dan Brown dahil sa sinabi niyang "gates of hell" daw ang Maynila. Gates of hell dahil sa "horrible traffic jams, suffocating pollution, massive poverty and a thriving child sex trade" (http://www.smh.com.au/entertainment/books/gates-of-hell-dan-brown-enrages-philippines-20130524-2k55h.html#ixzz2UK1oYaDo). Kung titingnang mabuti, may bahid naman ng katotohanan ito. Hindi nga bahid eh, totoo talaga! Trapik sa may Divisoria dahil sa mga sidewalk vendors. Maalikabok at mausok dahil sa mga tambutso ng sasakyan. Marami ring kalat at basura sa kalsada. At iyang "massive poverty" at "child sex trade"? Totoo rin 'yan! Sos.

Ewan ko ba sa ibang Pilipino. Ang O-OA. Mga ipokrito. Nasaktan sa sinabi ng isang banyagang awtor tungkol sa Pilipinas, eh totoo naman ang sinabi niya. Pero kung makapanlait sa kapwa Pilipino, akala mo wala nang bukas. Hindi ko gusto 'yang si Sen. Nancy Binay, pero nakakaasar lang na biru-biruin at lait-laitin siya dahil sa kulay niya. May mga memes pa, akala mo nakakatawa. Ano ngayon kung maitim ang kulay ng balat? Eh kayumanggi naman talaga ang kulay ng mga Pilipino. Ang nakakalungkot pa, karamihan ng mga Pilipino, iniisip nila na kapag maputi, maganda o gwapo. Pero kapag maitim, pangit na. Anong klaseng pag-iisip 'yan?! Walang kwenta!

Sa nanalong mayor ng Maynila, Mayor Joseph Estrada, ipakita n'yo po kay Mr. Dan Brown na magiging mali ang mga sinabi niya tungkol sa siyudad na pamumunuan ninyo. Thanks!

:)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento