Martes, Mayo 28, 2013

Lukewarm.

May aaminin ako. Ilang buwan na akong hindi nakakapagsimba. Nakakalungkot, 'di ba? Ewan ko ba, late na kasi akong nagigising kapag Linggo. Saka kung medyo maaga naman akong gumising, tinatamad naman akong magsimba. Naiinis ako sa sarili ko!

Nami-miss ko nang pumunta sa simbahan at makinig sa preaching ng pastor. Nami-miss ko nang mag-praise and worship. Nami-miss ko na 'yung mga nagta-tambourine sa harap. Nami-miss ko nang kumain ng ostiya at uminom ng wine tuwing communion. Nami-miss ko nang magbigay ng offering. Nami-miss ko nang makapanood ng mga special number ng mga Church members. At higit sa lahat, nami-miss ko na si Jesus...sobra...

Kailangan kong bumawi. Magsisimba na talaga ako!!!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento