Martes, Mayo 21, 2013

Energized.

Ang hirap ng trabaho ko.

Bow.

Aminado ako, malayo ang tinatahak kong career ngayon sa kinuha kong kurso noong kolehiyo. Eh, bakit nga ba nandito pa rin ako sa trabaho kong ito? Isa pa, sinabi ko sa sarili ko noon na hinding-hindi ako papasok sa career track na ito. Hmm, anyare sa 'kin, 'teh?

Sabihin na nating na-challenge ako sa trabaho ko ngayon. Para akong nag-aaral uli. Para akong kumukuha ng panibagong kurso. At dahil dyan, gusto kong patunayan sa sarili ko na magiging magaling din ako sa trabahong ito. Na makakaya kong maging dalubhasa sa larangang pinasok ko. NA MATALINO AKO.

Maraming kailangang matutunan. Maraming kailangang aralin. Maraming kailangang patunayan.

Ang saya ko :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento