Biyernes, Mayo 24, 2013

Swag.

Where on earth is 2NE1?

They have not released a new single since "I Love You". I know they're busy with their series of concerts, but come on! They need to release a new song now, else they might (I repeat, might) be completely forgotten by people, be it their fans or their haters.

And now from what I've heard, CL will soon be releasing a single. Its title is "The Baddest Female". Hmm, ok. That's great, but where is 2NE1?!

I miss 2NE1. I miss its charm. I miss its uniqueness. I miss its SWAG. Could 2NE1 still retain their title as the Number 1 Baddest Girl Group? Papa YG (Yes, we're close. Haha, kidding), what are your plans now?!

For the meantime, let us watch "I Don't Care", one of the best songs of 2NE1. :)

Martes, Mayo 21, 2013

Energized.

Ang hirap ng trabaho ko.

Bow.

Aminado ako, malayo ang tinatahak kong career ngayon sa kinuha kong kurso noong kolehiyo. Eh, bakit nga ba nandito pa rin ako sa trabaho kong ito? Isa pa, sinabi ko sa sarili ko noon na hinding-hindi ako papasok sa career track na ito. Hmm, anyare sa 'kin, 'teh?

Sabihin na nating na-challenge ako sa trabaho ko ngayon. Para akong nag-aaral uli. Para akong kumukuha ng panibagong kurso. At dahil dyan, gusto kong patunayan sa sarili ko na magiging magaling din ako sa trabahong ito. Na makakaya kong maging dalubhasa sa larangang pinasok ko. NA MATALINO AKO.

Maraming kailangang matutunan. Maraming kailangang aralin. Maraming kailangang patunayan.

Ang saya ko :)

Lunes, Pebrero 11, 2013

Detective Conan Episodes 667-668: Wedding Eve :)

Hello! Wow, ang tagal ko ring hindi nakapag-post. Sorry naman, busy ako eh. Hahaha.

Bago ko makalimutan, Merry Christmas at Happy New Year nga pala sa lahat! :)

At dahil Pebrero na naman, Happy Valentine's sa inyo!

Ok, change topic na. Wahaha. Grabe, ang saya ko. Kakanood ko lang kasi ng isa sa mga paborito kong series, ang Detective Conan. Simula grade school ako, nanonood na 'ko nun eh. Ang talino kasi ni Conan Edogawa/Shinichi Kudo sa pagresolba ng mga mysteries. Saka mapapaisip ka rin talaga kung sino ang tunay na culprit at kung paano niya ginawa 'yung krimen at kung paano napagtagpi-tagpi ni Conan ang mga ebidensya.

Isa sa mga magagandang episode ay 'yung Episode 667-668: Wedding Eve. Ang galing ng pagkagawa ng kwento. Solid. Hindi siya 'yung pinilit lang na mystery. Nakakatuwa. Kaya kung ako sa 'yo, panoorin mo itong episode na ito. :D

Magandang araw, kaibigan! :)


Huwebes, Agosto 9, 2012

Job Hunting Tales (Part 2)

May trabaho na ako! Yehey! Thank You, Jesus! :)

Ang dami kong pinagdaanan bago ako nagkaroon ng trabaho. Noong bum pa ako, palagi akong nakatitig sa aking cellphone, inaasam ang tawag mula sa mga kumpanya. Buong araw rin akong nakatambay sa jobstreet.com at nag-aabang ng mga latest job posts. At syempre, hindi mawawala diyan ang pag-attend ko sa mga job interviews. Oo, job interviews: ang pinakanakakapagod, pinaka-nakaka-drain, at pinaka-challenging na activity na ginagawa ng isang unemployed na gustong maging employed!

Noong college student pa lang ako, palagi kong iniisip: pwede bang magkatrabaho nang hindi sumasalang sa interview? Eh kasi naman, mahiyain talaga ako pagdating sa ganyan! Hay nako. Speaking confidently IN ENGLISH is not my forte. Kaya nga, sa mga nauna kong interviews Job Hunting Tales Part 1, palagi akong pumapalpak. Argh.

Naalala ko tuloy 'yung napuntahan kong interview dati. Eh di usap-usap kami ng HR. Tapos habang nag-uusap kami, napansin ko, nagdo-drawing siya sa application form ko ng downward arrows in red ink habang nagsasalita ako. Downward arrows. In red ink. Tapos dinidiinan pa niya 'yung pagka-drawing niya. @#$%! Ano 'yun?! Ano problema niya? Binubully ba siya noong bata pa siya? Panira ng araw. Kakainis yung HR na yun! Booo!

May pinuntahan din akong interview dati sa may Ortigas. Habang nagsasalita ako, bigla ba namang humikab 'yung HR! Medyo nawala ako sa pagsasalita pero naagapan ko naman. Takte 'yun. Kung maka-distract eh. Hay. Hahaha.

Ganyan ba talaga mga HR? Anong mundo meron sila? Para silang mga hari at reyna na kailangang pasayahin. Hmm, parang gusto ko na ring mag-HR ah. Pero not now. Or maybe, never. Masaya na ako sa field na napasok ko ngayon! :D

Good luck and God bless sa mga naghahanap ng trabaho ngayon! Just trust in the great, great power of the Lord! :)

Huwebes, Hunyo 14, 2012

Job Hunting Tales (Part 1)

Ok. So I failed four (Yes, four. Apat. 넷.) INITIAL job interviews already. Initial pa lang 'yan ha. Hindi man lang ako nakalagpas-lagpas sa stage na 'yan. How frustrating.

Ewan ko ba, ano bang meron 'pag nagsasalita ako? Tanggap ko kung failed ako sa first interview dahil hindi naman talaga ako handa noong pumunta ako doon, pero pati ba naman 'yung mga sumunod? This is so alarming. Argh.

Why do I have to experience this kind of pain? Why? Huhu. Ang hirap pala talagang maghanap ng trabaho.

Sobrang nate-test 'yung faith ko sa Diyos. Ang sabi, kasalanan ang mag-worry. But I can't help it. 'Yung iba kong batchmates, may mga trabaho na. Ang lalaki pa ng sweldo. Samantalang ako, 'eto, kain-tulog sa bahay. Nahihiya na nga ako sa mga magulang ko eh! Sigh. :(

Pero sabi nga ng Diyos, "Do not worry about your life, what you will eat; nor about the body, what you will put on," (Luke 12:22). Alam ko naman na may maganda at perpektong plano Siya sa buhay ko kaya ako hindi pumasa sa apat na initial interviews ko. Sabagay, 'yung isang company na tumawag sa 'kin, sobrang against ako sa product nila. Kung nakapasa siguro ako dun, malamang maging ambassador pa nila ako. Nyay.

The Lord is our Omnipotent God. Alam kong hindi Niya ako pababayaan. I just have to trust His great, great Power and put my faith in Him.

<3

Miyerkules, Mayo 30, 2012

Happy Saengil! :)

오늘은 소녀시대 임윤아 생일이에요. 생일 축하합니다, 임윤아!

:)

Biyernes, Mayo 4, 2012

Of Blue and Rainy Days

Buwan na ng Mayo ngayon. At nagsisimula nang umulan-ulan. Ang perfect na theme song para sa ganitong panahon? "Blue" by BIGBANG. Wooot! Tungkol sa breakup ang awiting ito (Awitin. May gumagamit pa ba ng salitang ito? Hahaha), pero bagay na bagay ang melody nito sa pagbuhos ng ulan mula sa makulimlim na langit. Kasama ang isang tasang kape at blueberry muffin (pwede rin banana muffin haha), masarap makinig sa "Blue" ng BIGBANG. :)